๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐ซ-๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ง (๐๐ฎ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง)
Inaanyayahan ang mga Yunit ng Pamahalaang Lokal (LGUs), mga Tanggapan ng Pambansang Pamahalaan (NGAs), mga Pampamahalaang Unibersidad at Kolehiyo (SUCs), at iba pang mga pampamahalaang opisina sa Rehiyon 7 (Western Visayas) at Rehiyon 8 (Eastern Visayas) na lumahok sa SALINAYAN 2024: Seminar-Training sa Pagsasalin na isasagawa sa 19-21 Nobyembre 2024, 9:00nu-3:00nh na isasagawa sa pamamagitan ng ZOOM para sa mga lalahok nang online at sa Cebu Normal University naman para sa mga lalahok nang aktuwal sa ilalim nang modang HyFlex.
Layunin ng SALINAYAN na linangin ang kaalaman at kasanayan ng mga empleado ng mga opisina ng pamahalaan hinggil sa pagsasalin ng mga gabay ng mamamayan (Citizenโs Charter) at iba pang materyales pampamahalaan gamit ang wikang Filipino at maging mabisang kasangkapan sa mas episyenteng komunikasyong tuon sa serbisyo at pangkalahatang publiko.
Tatanggap lamang ang KWF ng opisyal na intensiyon sa paglahok hanggang 14 Nobyembre 2024 (Huwebes) sa pamamagitan ng pagsagot sa https://forms.gle/zpV1TQ4hdjdfYdu46. Makalipas ang rehistrasyon, magpapadala ng pabatid ang KWF kung isa kayo bilang kinatawan ng inyong opisina sa nakapasok sa limitadong bilang ng inaasahang kalahok sa isasagawang seminar-training.
Ang SALINAYAN 2024: Seminar-Training sa Pagsasalin ay isa sa mga pagsasanay na ibinibigay ng KWF sa pangunguna ng Translation Division (Sangay ng Salin). (PR)