๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ฐรก๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฐ๐๐ง๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ , ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ข๐๐๐จ๐ฌ

Pinangunahan nina Dr. Arthur P. Casanova, Tangapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Gng. Lourdes Hinampas, Punรฒ ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) ang idinaos na seremonya ng pagtatapos ng pagsasanay sa wikang Sebwรกno noong 10 Abril 2025 sa opisina ng KWF sa Malacaรฑang Palace Complex, San Miguel, Maynila.

Labinlimang kawani ng KWF ang nakilahok sa sampung sesyon ng pagsasanay sa wikang Sebwรกno na ginanap tuwing Huwebes at Biyernes mula PebreroโAbril 2025. Layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga kawani ng KWF sa isasagawang pananaliksik at pangangalap ng datos hinggil sa wikang Bisayรก/Binisayรข, at sa iba pang gawaing pananaliksik sa Visayas at Mindanao. Inimbitahan si G. Emil Isaac Conde upang magbahagi ng kaniyang kaalaman sa wikang Sebwรกno. Tinuruan ni G. Conde ang mga kawani ng KWF kung paano makisalamuha gamit ang Sebwรกno, kabilang ang paggamit ng ilang karaniwang salita at ekspresyon na mahalaga sa mga simpleng pang-araw-araw na ugnayan.

Malaki ang naitulong ng sampung sesyon ng pagsasanay sa mas malalim na pag-unawa sa ilang mga katangian ng wikang Sebwรกno at sa paghahanda ng mga kawani ng KWF sa isasagawang pananaliksik sa Bisayรก/Binisayรข ngayong 2025. ###