๐ƒ๐”๐‹ร‚ ๐“ร๐˜๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐๐€๐†๐’๐”๐‹๐€๐“ ๐๐† ๐ƒ๐”๐‹๐€๐๐† ๐“๐€๐๐ƒ๐„๐Œ/๐ƒ๐”๐Ž

๐ƒ๐”๐‹ร‚ ๐“ร๐˜๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐๐€๐†๐’๐”๐‹๐€๐“ ๐๐† ๐ƒ๐”๐‹๐€๐๐† ๐“๐€๐๐ƒ๐„๐Œ/๐ƒ๐”๐Ž

๐“๐ฎ๐ง๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ง:

1. Ang Dulรกng Tandem/Duo ay tawag sa anyo ng maikling dulรข na may iisang yugto, tagpuan, tunggalian, at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Tinatawag itong Dulang Tandem/Duo dahil umiikot lรกmang ang kuwento sa mga diyalago ng dalawang tauhan.

2. Ito ay onlayn na timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan. Pakikiisa ito ng KWF sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022โ€“2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (sa ilalim ng UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.

3. Bukรกs ang timpalak sa mga Pilipinong edad 18 pataas (babae at lalรกki), nรกsa loob at/o labas man ng bansa, maliban sa mga opisyal at kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.

4. Ang lahok ay nakasulat sa wikang Filipino at orihinal na gawa ng may-akda; hindi pa nagagawaran ng parangal, hindi pa naisusumite sa ibang timpalak o publikasyon, hindi pa naililimbag, at hindi rin salin mulรข sa ibang wika.

5. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhรญling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

6. Ang paksa ay โ€œPaglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon.โ€

7. Gamรญtin ang Arial (font), 12 (font size), 1.5 (spacing), at A4 (sรบkat ng papel) bรญlang format ng isusumiteng lahok.

8. Ang isusumiteng monologo ay hindi lalampas sa 20 pahina at kung itatanghal ay hindi lalampas sa 20 minuto.

9. Kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda ang kopya ng lahok. Tanging pamagat at sagisag-panulat lรกmang ang pinahihintulutan.

10. Isang entri lang ang maaaring ilahok ng bawat indibidwal.

11. Isumite sa pormang pdf ang Pormularyo ng Paglahok, maaaring i-download mula sa: https://shorturl.at/mZWI5

12. Ilagay ang lahok at ibang mga kahingian sa expandable envelope at ipadala sa adres na nรกsa ibaba:

Lupon sa Dulang Tandem/Duo 2025

Komisyon sa Wikang Filipino – 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila

13. Ang hulรญng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 7 Pebrero 2025 hanggang 11:59 ng gabรญ.

14. Ang tatlong mananalo ay tatanggap ng sertipiko at sumusunod na gantimpala na babawasan ng kaukulang buwis:

Unang gantimpala, PHP10,000.00 (net)

Ikalawang gantimpala, PHP7,000.00 (net)

Ikatlong gantimpala, PHP5,000.00 (net)

15. Para sa pagmamarka, gagamitin ang pamantayan na:

Banghay โ€“ 25%

Gรกmit ng wika – 25%

Karakterisasyon – 25%

Malikhaing pagsasanib ng paksa sa piyesa – 25%

16. Ang pasiya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na mababago.

17. Ang pangalan ng mga mananalo ay iaanunsiyo sa KWF Facebook page sa Abril.

18. Pรกra sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.

PRESS RELEASE